KAPRITSO NG LAMAN (Ika-66 na labas)

NASA magkaibang bansa at oras sina Jason at Sally, Jude at Tina pero iisa ang ginagawa.

Mainit na nagtatalik …

Nagpapakalunod sa kaligayahan.

Bigay na bigay si Sally…

Sa ganitong paraan niya gustong alisin ang agam-agam ni Jason na mawawala na siya sa buhay nito.

Sa kabilang dako, ganadong-ganado naman si Jude sa ginagawang pagpapaligaya kay Tina.

Gusto rin niyang mawala ang pag-aalala nito na mawawala na siya sa buhay ng babae.

Hanggang sa malasing sa kaligayahan si Tina at makatulog.

Sa Taipei, tapos na ring magtalik sina Jason at Sally.

Nasisiyahang nakatulog ang lalaki. Ang babae ang naiwang gising.

Si Edward ang laman ng isipan. May nararamdaman siyang pagtataka…

Kung bakit hindi nito isinumbong sa pinsang si Jude ang nalalaman nito na paglalaro niya ng apoy sa Taipei.

Hindi niya nasagot ang sariling tanong kung bakit.

Hindi niya iniisip na may iba pang pinaplano si Edward sa kanya.

Nasa Pilipinas na kasi ang lalaki. Hindi na siya magagawa pang i-blackmail.

Maya-maya’y nagpilit na rin siyang makatulog pero hindi naman siya dalawin ng antok.

Sa ‘Pinas, saglit lang na nagpahinga si Tina.

Hapon na …

Ilang saglit pa at lulubog na ang araw.

Bumangon ang babae …

Magluluto siya ng hapunan.

Sa kanyang tabi, tulog na tulog si Jude.

Hindi na niya ginising ang lalaki.

Dala ang kanyang cellphone na nagtungo siya sa kusina.

Kasalukuyang nagluluto siya ng hapunan nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone.

Hangos niya itong dinukot sa bulsa.

Napamaang si Tina ng makita ang pangalan ng caller na nakarehistro sa LCD ng kanyang cp.

Ang bestfriend na si Sally.

Hangos niyang sinagot ang tawag.

“Ano at naisipan mo akong tawagan?” tanong ni Tina.

“Nami-miss na kasi kita,” sagot ni Sally.

“The feeling is mutual!” sabi naman ni Tina.

“Gusto ko lang mangumusta kaya kita tinawagan. Babalik ka pa ba rito?” tanong ng una.

“Baka hindi na!” sagot naman ng huli.

“Kumusta na nga pala kayo ng mister mo?”

Malungkot na humugot muna ng malalim na buntong hininga si Tina bago sumagot.

“Wala na kami ni Darrel. May iba na siyang kinakasama,” aniya.

“Pero bakit?” gulat na tanong ni Sally.

“Nabuko na niya ang paglalaro ko ng apoy diyan sa Taipei kaya naisipan niyang gumanti. Ipinagpalit niya ako sa ibang babae,” sagot ni Tina.

“How sad naman!” sabi ng kaibigan.

“Same feathers, flocks together kaya dapat lang na makisimpatiya ka sa akin. Dahil ang kapalarang inabot ko, maaaring abutin mo rin.”

“W-What do you mean?”

“Oras na malaman ni Jude ang panlalalaki mo riyan sa Taipei, baka maisipan ka rin niyang ipagpalit sa ibang babae.”

“Huwag naman sana,” sagot ni Sally.

“Hindi mo makokontra ang desisyon ng tadhana,” sabi ni Tina.

Kulang lang ay sabihin niya sa kaibigan na pinalitan na siya ni Jude.

Pero ayaw niyang magkuwento.

Tiyak kasing magtatanong ang kaibigan kung sino ang babae na ipinagpalit sa kanya ng asawa.

Alangan namang sabihin niyang siya.

Malaking gulo ang mangyayari.

Tiyak na sasabihan siyang traydor o ahas ni Sally.

“Sa palagay mo, nakahahalata na kaya si Jude tungkol sa ginagawa ko rito sa Taipei?” maya-maya’y naisipang itanong ni Sally sa kaibigan. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply