KAPRITSO NG LAMAN (Ika-67 na labas)

“SA ngayon, wala pang alam ang asawa mo tungkol sa paglalaro mo ng apoy dyan sa Taipei. Pero kasabihang walang lihim na hindi nabubunyag. Darating ang panahon na malalaman niya ang totoo,” sabi ni Tina kay Sally.

“Kaibigan kita. Hindi ko iniisip na ikaw ang magtatraydor sa akin,” sabi ng huli.

Nakaramdam ng surot ng konsensiya ang una.

Hindi man siya ang magsabi, klaro na isa siyang hudas dahil siya ang babaeng kinakasama ngayon ng asawa ng kanyang bestfriend.

“Makaaasa ka. Hindi sa akin magsisimula ang leak na kinakaliwa mo siya,” pangako ni Tina.

“Salamat!” sagot naman ni Sally.

Hindi na humaba pa ang kanilang pag-uusap.

Inaantok na kasi ang una at gusto na niyang matulog dahil may pasok pa sila bukas.

Ipinagpatuloy na ni Tina ang pagluluto.

Sa kabilang dako, sinabi lang ni Sally sa kaibigan na matutulog na siya pero nananatili pa rin siyang gising.

Hindi na ang kaibigan ang laman ng isipan …

Hindi rin ang asawa.

Si Edward ulit ang laman ng isipan.

Kung bakit naman hindi nagawang isumbong kay Jude ang pagloloko niya.

Galit sa kanya ang lalaki dahil hindi niya ito pinagbigyan nang ayain siya nito na mag-one night stand bago siya bumalik ng Pilipinas.

Binantaan pa nga siya nito na magsusumbong kay Jude sa ginawa niyang pagpatol kay Jason.

Pero nang tumawag naman sa kanya ang asawa, wala siyang nahalata rito.

Nagparamdam pa nga sa kanya ang asawa dahil siya ang babae, siya ang nagpapakahirap na magtrabaho sa ibang bansa para mapaghan-daan ang kanilang kinabukasan.

Gusto niyang makausap si Edward pero ayaw niya itong tawagan.

Baka kung ano ang isipin ng lalaki.

Maya-maya’y nagpilit nang makatulog ni Sally.

Mapupuyat kasi siya nang husto.

Gigising pa siya nang maaga para magluto ng kanilang almusal ni Jason.

Pero iba ang nangyari kinabukasan.

Gising na si Jason, tulog pa siya.

Napuyat siya sa kaiisip kagabi.

Pero hindi siya ginising ng binata.

Bumangon ang lalaki at nagtungo sa kusina.

Siya na lang ang nagluto ng kanilang almusal.

Nang makaluto na, saka niya ginising si Sally.

“Bangon na! Nakaluto na ako. Kakain na tayo,” sabi ng lalaki sa babae.

Bumangon ang babae.

“Nakakahiya naman sa iyo. Ikaw ang nakapagluto ng almusal natin,” sabi ni Sally kay Jason habang malambing na magkayakap sila patungo sa kusina.

“Okey lang iyon! Pinaligaya mo naman ako kagabi,” nakangiting sabi ng binata.

“Ayan ka na naman!” irap ng babae sa lalaki.

Hindi siya pinansin ni Jason.

“Alam mo, basta’t nag-seks tayo bago matulog, ang sarap ng tulog ko. Ikaw ang sleeping pills ng buhay ko,” masayang sabi ng binata.

“Mabuti ka pa. Hindi ako makatulog kagabi,” sagot naman ni Sally.

Magkaharap na nakaupo na ang dalawa sa harap ng almusal at nagsisimula nang kumain.

“Bakit?” tanong ni Jason.

“Ewan ko. Baka na-over-sex ako!” biro ni Sally.

Biglang tumigil sa pagsubo ang binata.

“Nagpaparinig ka ba? Parang gusto mo na yata akong limitahan!” pormal na sabi ni Jason.

“Wala akong sinabing ganyan. Kumain ka na nga. Binibigyan mo kaagad ng kahulugan ang sinabi ko,” natatawang sagot ni Sally.

Nagpatuloy na sila sa pag-aalmusal.

Nang matapos silang kumain, nagprisinta ang babae na siya ang magliligpit ng kanilang pinagkainan.

“Maligo ka na. Pagkatapos mo ay ako naman ang maliligo. Bilisan mo dahil tanghali na tayo,” sabi niya sa lalaki. Itutuloy

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply