KAPRITSO NG LAMAN (Ika-69 na labas)

INISIP na lang ni Sally na niloloko siya ni Edward.

Hindi si Tina ang kulasisi ng asawa.

Imposible na traydurin siya ng kaibigan.

Bumalik sa trabaho si Sally na gulo ang isipan.

Kapuna-puna ang kanyang pananahimik kapag walang kostumer.

Ngumingiti lang siya at nagsasalita kapag may kostumer na pumapasok sa pintuan.

Pinuna tuloy siya ng isang kasamahan sa trabaho.

“Hindi ka naman dating ganyan. Ano ba ang nangyari at bigla kang natahimik?” tanong ni Pauleen.

“Wala naman. I’m okey!” nakangiting sagot ni Sally.

Hindi na umimik ang kaibigan.

Pailing-iling na bumalik na sa kanyang puwesto.

Dumating ang hapon.

Uwian…

Makalipas ang ilang saglit at dumating na si Jason para sunduin siya.

Ang binata naman ang nakapuna sa pananahimik ni Sally nang nakasakay na sila sa kotse at nagbibiyahe na pauwi.

“Kanina pa ako salita nang salita pero hindi ka nagsasalita. Saan na ba napunta ang isipan mo at parang hindi mo ako naririnig?” tanong ni Jason sabay kalabit sa tagiliran ni Sally.

“S-Sorry!” mabilis namang paghingi ng paumanhin ng babae.

“Ano nga ang nangyari?” ulit na tanong ni Jason.

“Tumawag kasi kanina ang pinsan ng asawa ko. Si Edward!” napilitang sagot ni Sally.

“Ano naman ang sinabi ng gagong iyon?” tanong pa ng binata na biglang pumormal ang mukha. “Nagsumbong na raw siya sa asawa mo tungkol sa ating dalawa?”

“Hindi! Iba ang dahilan ng kanyang pagtawag,” may kasamang iling na sagot ng babae.

“Ano?”

“Tungkol kay Jude!”

“What about your husband?”

“Plano raw talaga niya akong isumbong sa asawa ko pero biglang nagbago ang kanyang isip dahil sa kanyang natuklasan!”

“Ano naman iyon?”

“May babae ang asawa ko. Nakita niya sa mismong bahay namin. At parang doon na ito nakatira!”

Biglang namapamaang si Jason sa nalaman.

“T-Totoo ba iyan? E, sino naman ang babaeng kinakasama ngayon ng mister mo?” tanong ng binata.

“Hindi niya sinabi sa akin kung sino pero nagbigay siya ng hint!”

“Sige nga!”

“Sobrang close daw sa akin ng babaeng iyon at matagal ko na siyang nakasama!”

Biglang nag-isip si Jason kung sino ang babaeng sobrang close kay Sally.

“Sa Pilipinas, hindi ko alam kung sino ang babaeng close sa iyo. Pero dito sa Taipei, alam ko kung sino. Si Tina! At dahil nasa ‘Pinas na siya ngayon. Puwedeng maging siya. Ano sa palagay mo?” tanong ng binata.

“Iisa ang iniisip natin. Pero hindi ako naniniwala na magagawa akong traydurin ng aking bestfriend!” sabi ni Sally.

“Naniniwala ako sa iyo. May asawa siya sa Pilipinas. Bakit pa niya iisiping maghanap ng ligaya sa piling ng iba?” sabi naman ni Jason.

“Hiwalay na sa asawa si Tina. Pumatol na sa ibang babae ang mister niya dahil bago siya umuwi, natuklasan ni Darrel na may ka-live in siya rito sa Taipei,” sagot ni Sally.

Gulat na napanganga si Jason.

“Kung gayun, ang sinabi ni Edward ay malapit sa katotohanan!” maya-maya’y sabi ng binata.

“Ayaw ko pa ring maniwala. Galit sa akin ang lalaking iyon dahil hindi ako pumayag na makipag-one night stand sa kanya bago siya nag-balikbayan. Baka gusto lang niya akong guluhin para makaganti kaya nag-iimbento siya ng kuwento,” sagot naman ni Sally.

Napatango-tango si Ja-son…

Puwedeng mangyari ang sinabi ni Sally pero puwede rin namang hindi.

Nang biglang manlaki ang kaniyang mga mata nang mapatingin sa unahan.

“N-Naku!” biglang sambit ng binata.

“B-Bakit?” gulat namang tanong ni Sally.

“Sa kakukuwento mo, nakalampas tayo sa uuwian natin!”

Pareho silang natawa sa nangyari. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply