KAPRITSO NG LAMAN (Ika-70 na labas)

MALAKAS na nagkatawanan sina Sally at Jason nang makalampas sa condo na kanilang uuwian.

Iniliko ng binata ang kotse sa isang crossing para bumalik sa kanilang pinanggalingan.

Tuloy ulit ang kanilang kuwentuhan.

“Kung sakaling totoo ang itinawag sa iyo ni Edward, pabor sa atin iyon,” sabi ni Jason.

“Bakit mo naman nasabi?” tanong ng babae.

“Pareho na kayong may dahilan para maghiwalay. Dapat na kayong mag-file ng annulment para makapagpa-kasal na tayo,” sagot ng binata.

“Puwede!” sagot naman ni Sally pero hindi na nagsalita.

Si Jason ang panay ang kuwento.

“Alam mo kung gaano kita kamahal kaya hindi ka magsisisi sakaling makasal tayo.
Gagawin ko ang lahat para mapaligaya ka!” patuloy ng binata.

Malakas na tumawa si Sally.

“Bakit mo ako pinagtatawanan? Seryoso ako sa sinasabi ko sa iyo,” pormal na sabi ni Jason.

“Hindi naman ang sinasabi mo ang pinagtatawanan ko, e!” kilig na sagot ni Sally.

“E, ano?”

“Nakalampas na naman tayo sa condo na tinitirahan natin!”

“Ano ba iyan?” sambit ni Jason sabay kamot ng isang kamay sa ulo.

“Hindi tayo makararating sa pupuntahan natin kung palagi kang lampas,” sabi ni Sally.

“This time, titiyakin ko na hindi na tayo lalampas,” sagot naman ng binata at hindi na kinausap ang babae habang nagmamaneho.

Nakarating sila sa condo building na tinitirahan.

Ipinasok ni Jason ang kotse sa carpark.

Ilang saglit pa at pasakay na sila sa elevator paakyat sa floor kung saan naroon ang unit ng binata.

Ilang saglit pa’t nasa loob na sila ng condo unit ng lalaki.

Hangos na pumasok si Sally sa kuwarto.

“Magpapalit muna ako ng damit pambahay bago magluto ng dinner natin,” sabi ng babae.

Hindi kaagad sumunod sa kanya ang lalaki.

Pumunta muna sa kitchen.

Nagbukas ng ref at inilabas ang pitsel …

Nagsalin sa baso at uminom muna.

Saka pa lang siya umakyat ng hagdanan para sumunod kay Sally.

Nakasalubong niya ang babae palabas …

Nakasuot ng ubod ng ikli at fit na short …

Bakat na bakat nga ang namumukol na harapan kung saa’y visible ang slit sa gitna.

“Lintik! Ginutom ako riyan, ah!” biro ni Jason habang nakasulyap sa katakam-takam na porma ng babae.

“Excuse me, ha! No eat, no touch!” sabi niya at humangos na patungo sa kusina.

Nagsalang muna siya ng sinaing …

Matapos ito, binuksan naman niya ang ref at kumuha ng lulutuing ulam.

Nasa loob ng kuwarto si Jason …

Naghuhubad …

Magpapalit din muna siya ng damit pambahay bago sumunod kay Sally sa kusina.

Nang mapuna niya ang cellphone ni Sally na nakapatong sa ibabaw ng tokador.

Dinampot niya ito …

Naisipan niyang pindutin hanggang sa mag-open ang phonebook.

Inisa-isa niyang tingnan ang mga pangalan at cp number na naka-phonebook sa cp ng kasuyo.

Biglang tumigil ang kanyang paggalaw nang makita ang pangalan at cp number ni Tina.

Biglang nag-isip si Jason…

Hanggang sa maisipan niyang pindutin ang call button…

Gusto niyang makausap ang babae.

Nagulat naman si Tina nang makitang pangalan ni Sally ang na-karehistro sa LCD ng kanyang cp.

Naisipan niya itong sagutin.

“Hello, Sally… bakit ka tumawag?” tanong ni Tina.

Nagulat ang huli ng lalaki ang kanyang mabosesan …

Nagpakilala ito …

“I-Ikaw pala, Jason?” Bakit mo ako naisipang tawagan.

“May gusto sana akong itanong sa iyo. Puwede?” sagot naman ng binata. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply