Kargador sinaksak ng tinawag na pindeho

INOOBSERBAHAN pa sa pagamutan ng isang kargador nang tatakan ng isang buko vendor na tinawag nitong pindeho kaninang madaling-araw sa Pasay City.

Nilalapatan ng lunas sa intensive care unit (ICU) ng Pasay ‘City General Hospital dahil sa tama ng malalim na saksak sa kaliwang tagilirang ang biktimang si James Lumapig, 37,tubong Perez, Quezon at pansamantalang nakatira sa 529 Maricaban Street, Pasay City.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na buko vendro na kinilala lamang sa alyas Banjo.

Sa ulat ng pulisya, bandang alas-12:35 ng hating gabi nang maganap ang pananaksak sa biktima habang ang suspek ay naghahanda sa paglalako ng panindang buko ng biglang tuksuhin ng biktima na pindeho.

Dahil sa tindi ng galit ay agad na kinuha ng suspek ang pangkayod ng buko at walang habas na sinaksak ang biktima na tinamaan sa kaliwang bahagi ng tagiliran at agad na tumakas. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply