Kaso kay Pacman iuurong ng BIR kung…

IUURONG ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Region-12 ang kasong paglabag sa Section 266 ng National Internal Revenue Code (NIRC) na kanilang isinampa kay Sarangani Rep. Manny Pacquiao kung isusumite na nito sa kanilang tanggapan ang hinihinging tax records.

Ani BIR-12 regional director Atty. Rozil Lozares, hindi na sana lumaki ang isyu kung sumunod lamang agad ang kampo ni Pacquiao sa kanilang summon.

Ginagawa lamang aniya nila ang kanilang trabaho bilang pagsunod sa batas ng BIR.

Ani Lozares, bago pa sinampahan ng kaso si Pacquiao, apat na notice ang kanilang ipinadala sa kampo ng kongresista at hindi na nila kasalanan kung nagkulang man ang mga tauhan at abogado ni Pacquiao.

Nauna nang nanawagan si Pacman na sibakin si Lozares dahil sa ginagawang panghaharas sa kanya, na sinagot naman ni BIR Commissioner Kim Henares sa pagsasabing ginagawa lamang ng opisyal ang kanyang trabaho.

Hinihingi ng BIR ang tax records ni Pacman nang biglang bumaba ang binayarang buwis ni Manny nitong nakalipas na taon.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply