Kaso ng natakasang prison guard, napababayaan nga ba?

KUNTENTO at tuwang-tuwa ang mga bilanggo maging ang mga dumadalaw sa Sablayan Penal Colony sa Occidental Mindoro  dahil sa pagbabagong nagawa rito ni Supt. Francisco Abulales, sa loob lang ng halos anim na buwan.

Maaliwalas  at malinis  na ang tila’y napabayaang kulungan ng nakaraang administrasyon. Hindi lang ang opisina ni Abulales ang pinaganda kundi maging ang mga kuwarto ng mga preso o selda.

Maging ang ospital dito ay hindi lang pinaganda kundi inayos ang serbisyo para sa mga nagkakasakit na mga bilanggo at maging ang mga gamot para sa mga ito.

Tuwang-tuwa na rin ang mga dalaw dahil sa loob ng isang buwan ay dalawang beses na silang nakapupunta o nadadalaw ang kanilang mga mahal sa buhay na nakakulong sa penal colony na ito at maging ang visiting area ay luminis at naging maaliwalas na rin.

Saludo ako sa inyo Supt. Abulales, sampu ng inyong mga opisyal at dahil na rin sa makataong turing mo sa mga bilanggo at dahil dito ay nanumbalik din ang tiwala ng mga preso at mga dalaw sa pamunuan ng penal colony.

Dahil din sa inyong ginawa, masasabi kong ginamit ninyo ang pondo ng penal colony nang maayos.

Supt. Abulales, tutal na rin lang  at nalinis na ninyo ang colony, pakisilip na rin po ang mga nakabinbin na kasong hawak ng Legal Section at Inspection Section ng inyong tanggapan.

Pakitingnan na rin po ang kaso nitong si Prison Guard I Alberto H. Mercader na natakasan ng bilanggong si Omar Labrador habang nasa kustodiya niya ito noong Nobyembre 10, 2006.

Totoo nga bang natutulog  lang sa pansitan ang kaso nitong si Mercader at wala pang ibinababang desisyon hinggil dito gayong napakatagal na ng kaso nito?

Alam ko pong hindi pa kayo ang director ng colony nang matakasan itong si Mercader.

Pero, sir, nararapat lang siguro na inyong alamin ang development ng kaso dahil hanggang ngayo’y nagdu-duty pa rin itong si Mercader.

Sinasabing bagyo umano itong si Mercader dahil minsan na itong nakasuhan ng AWOL pero nakapagtatakang nakabalik pa ito.

Pakiimbestigahan lang po, Supt. Abulales, sana ay huwag ninyong pairalin ang palakasan diyan sa loob ng colony.

oOo

Para sa inyong mga reklamo,  suhestyon at komento, magtext lang po sa 0906-2653394 o kaya ay mag-email sa lpr_2012@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply