Kaso ng PAL binuhay ng Korte Suprema

MULING binuksan ng Korte Suprema ang kontrobersyal na kaso ng Philippine Airlines, na isa sa mga artikulo sa impeachment na kinakaharap ni Chief Justice Renato Corona.

Sa 30 pahinang resolusyon ng SC en banc, sa botong 7-2 inako ng en banc ang hurisdiksyon sa paghawak sa pagdedesisyon sa merito ng kasong isinampa ng Flight Attendants and Stewards Association laban sa flag carrier.

Nilinaw naman ng SC na ang inilabas nilang recall noon ay hindi pa ruling sa merito o binabaliktad ang naunang desisyon kundi muli lamang itong pag-aaralan.

Nag-inhibit naman sa nasabing kaso sina Chief Justice Corona, Justices Antonio Carpio, Presbitero Velasco, Teresita Leonardo-De Castro, Mariano del Castillo at Martin Villarama.

Magugunitang, una nang inireklamo ng FASAP ang umano’y iligal na pagsibak ng PAL sa 1,400 flight attendants noong 1998.

Kasabay nito, ibinasura ng Korte ang motion for reconsideration na inihain ng FASAP noong October, 2011 at iginiit na walang mali sa inilabas na resolusyon na bumabawi sa September 2011 resolution nito.

Sa September 2011 resolution ng SC, inaatasan nito ang PAL na magbayad ng P3 bilyon sa mga nasibak na empleyado subalit noong Oktubre ay ipina-recall ito matapos kuwestyunin ng abogado ng PAL na si Atty. Estelito Mendoza, na nagkaroon ng pagkakamali sa paghawak ng kaso.

Iginiit ni Mendoza na ang 3rd division ng Korte Suprema at hindi ang 2nd division ang humawak sa kaso matapos magretiro ang orihinal na ponente ng kaso na si Associate Justice Consuelo Ynares-Santiago.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply