Kaso nina Gloria at Corona beri ismol kay Juan

HABANG sinasabi ng mga nasa poder na nalalagay na sa dapat na kalagyan ang mga liko-liko ang daan sa panunungkulan, lumalabas na halos waepek ang mga ito sa kalagayan ni Juan.

Sa ibang salita, Suki, ipagpalagay nang mai-pakukulong nina PNoy sina Aling Gloria, waswit nitong si Big Mike at mga alipores nitong sina Mang Atong Corona at iba pa batay sa desisyon ng mga hukuman, hindi naman pala uma-no nakalilikha ang mga ito ng kahit isang butil na bigas o pisong kita ni Juan.

Sabi nga ng nakarara-mi sa nakakausap natin sa mga barangay na pinapasyalan natin, ano kung  makulong ang lahat ng mga tiwali ng nakaraan?

Hindi naman umano nagbabago ang kalagayan ni Juan.

Bagkus lumalala pa.

oOo

Ang paniniwalang ito, mahal na hari o boss, ehek, mahal na Pangulong Noy, ang dapat na bigyan ng pansin.

Nagkakaloko-loko ang lahat dahil sa mahal na petrolyo.

Nagmamahal lahat ng bilihin dahil sa petrolyong ito na lalong nagmamahal dahil sa P15 na valued added tax kada petrolyo.

Ang milyong jeepney at traysikel drayber ay halos wala na ring kinikita.

Heto pa, Suki, ang napakalaking problema.

Sumasakit na ang ulo ng maraming nasa public employment service office mula sa mga munisipyo, lungsod at lalawigan.

Halos wala nakasing ng permanenteng trabaho at puro kontraktuwal na ang mga obrero.

Ang masakit, pati ang gobyerno ay nahihilig na rin sa kontraktuwalisasyon.

At ang mga kontraktuwal ay maliliit ang kita at na-uubos ang mga ito bago pa sila muling makakita ng trabaho.

Balik ngayon tayo kina Gloripie at Mang Atong Corona, totoo ngang wae-pek ang mga ito sa nagaganap sa buhay ni Juan.

Ano ba, PNoy, ang nagagawa natin dito?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply