Kasong kriminal isinampa vs MMDA chair

SINAMPAHAN ng Outdoor Media Advocacy Group (OMAG) ng kasong kriminal si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino dahil sa pagbibigay nito ng basbas sa Department of Public Works and Higways (DPWH) para pakialaman ang mga billboard sa buong Metro Manila.

Kasong paglabag sa Article 239 ng Revised Penal Code (RPC) (usurpation of legislative power) ang isinampa ng mga miyembro ng billboard operators sa pangunguna ni OMAG executive director Atty. Withrop Bañes.

Ayon kay Bañes ang paghahain nila ng kaso laban kay Tolentino ay nag-ugat sa pinasok nitong memorandum of agreement sa pagitan ng MMDA at DPWH na binigyan ni Tolentino ng kapangyarihan ang ahensya na ipatupad ang ilang probisyon ng National Building Code kabilang dito ang pamamahala sa pagtatayo, regulasyon at maintenance sa mga billboard at iba pang advertising signs na na mariing kinukuwestiyon ng grupo.

Naniniwala ang OMAG na hindi saklaw ng mandato ng MMDA ang naturang trabaho at wala itong kapangyarihan para gumawa mga bagong regulasyon at memorandum circular patungkol sa outdoor billboard advertising at kahalintulad na anunsyo.

Kabilang sa mga nilikhang circular ni Tolentino ay ang pag-oobliga sa outdoor advertiser na magbayad sa MMDA ng application fee para sa pagpoproseso ng clearance para sa pagtatayo ng isang billboard.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply