Kasong libelo ukol sa ‘tomboy’ ibinasura

SA wakas, binasura na ng Quezon City Fiscal’s Office ang libelo na isinampa  laban kay Ferdinand de  Ocampo, isang guro sa English Secondary Language ng Global Foundation Inc. dahil sa pag-post nito sa facebook ng isang mensahe.

Hindi pa nag-iinit ang kaso sa sala nina Prosecutor Corazon Romano at Prosec. Mariesther Vedana ay dinismis na nila ang kasong libelo na isinampa  kay De Ocampo.

Sa alegasyon sa piskalya  ng kapwa guro ni De Ocampo na sina  Marleen Flores at ang kaibigan nitong si Ritzelle Hernandez, malisyoso raw na ipinost ni De Ocampo sa internet ang mga salitang “This is insane – a certified lesbian screaming at saka,  you’re GAY, Youre’ GAY. ”

Sa kontra salaysay ni De Ocampo sa sala ng piskalya  ay pinabulaanan niya ang nasabing akusasyon at sinabi niya na ito ay kampanya ng  mga nagsampa sa kanya ng reklamo para matanggal umano siya sa paaralan kung saan sila ay pawang mga nagtatrabaho.

Malinaw pa sa sikat ng araw ang pagbasura ni Piskal Vedana sa kaso ni De Ocampo dahil hindi raw malicious at ang pagsasabing “Lesbian lover” kay Flores ay di pinangalanan o di rin naman siya binansagang “tomboy” ni De Ocampo. Sa alegasyon naman ni Hernandez na tinawag umano siyang “tomboy” ng una ay di suportado ng ebidensya na siyang magpapatunay na may ganun ngang pangyayari.

VK SA BULACAN ‘DI MASUGPO

Silipin natin itong mga video karera ng sinasasabing “Little Mayor” na si Carlito ng Meycauayan at Balagtas, Bulacan.

Hindi mapatigil ang operasyon ng mga vk ni Carlito sa Meycauayan at Balagtas dahil sa ipinagmamalaki nito si Meycauayan Mayor Joan  Alarilla.

Anomang reklamo ay mangyari lamang na mag-text lang sa 09189274764, 09266719-269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply