Kasong sexual harassment vs Britney Spears natuldukan na

NATULDUKAN na ang kasong sexual harassment na isinampa laban kay Britney Spears ng kanyang dating bodyguard na si Fernando Flores.

Ito ay matapos na magbati at magkasundo ng dalawa sa pamamagitan ng isang private mediator.

Ilang minuto lamang nag-usap ang dalawa sa tulong ng private mediator.

Ang kaso ay nag-ugat matapos na umanong magkaroon ng ilang beses na sexual advances sina Flores at Spears nang maghubad ang singer sa harapan ni Flores.

Batay sa ihinaing reklamo, sinabi ni Flores na ang naturang “ilang pagkakataon” ay nagdulot umano ng “shock’ sa kanya at pagkadismaya sa dating among pop star.

Inihalimabawa pa ni Flores sa kanyang kuwento sa TMZ ang insidenteng nakasuot si Britney ng puting lace, see-through na damit. Tapos ay nilapitan umano siya ng singer at kunwari ay nahulog ang lighter nito.

Para pulutin ang nahulog na lighter ay yumuko raw ang pop star at sa puntong ito ay nakita niya ang ari ng siner dahil wala umano itong suot na panloob o underwear.

Isa pang insidente na ibinahagi ni Flores sa TMZ ay noong minsang ipinatawag siya ng singer para utusan at pinapunta siya sa silid nito. Pagbukas niya ng pinto ng silid ng singer ay nagulat siya nang bumungad sa kanyang nakahubad ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply