Katiwalian sa ASBU

KAMAKAILAN ay may iniulat na isang tsuper ang nagreklamo nang ganito: Bakit siya hinuhuli ng Anti-Smoke Belching Unit (ASBU) samantalang nagbabayad naman ng P500-P1,000 kada araw ang kompanya niya sa ahensya?

Maliwanag na masangsang na kalokohan, di ba, mga ‘tol? Nandyan na ang korapsyon sa bahagi ng ASBU. Isa pa ang pagpapabaya ng opereytor ng bus dahil hindi nito tinitiyak na hindi nag-smoke belching ang kanyang mga yunit.

Hindi na bago ang marinig na may katiwaliang nangyayari sa isang ahensya ng gobyerno.

At siyempre pa, may nakapagko-corrupt dahil pumapayag ang ilan na mangyari ito.

Sasabihin marahil ng dalawang sangkot na wala namang biktima sa kanilang ginawa. Parehong masaya ang nakatanggap (dahil nagkaroon ng “sideline” o dagdag-kita) at ang nagbigay (dahil nabawasan ang gastos dahil mas malaki ang inilalabas na pera kung titiyaking hindi mausok ang kanilang mga yunit na bus).

“Everybody happy,” sasabihin nila. Hindi rin. May mga malulungkot at matatalo ang sambayanan at ang kapaligiran.

Hindi kaila sa atin, mga ‘tol, na ang Kamaynilaan ang isa sa mga pinaka-polluted na lugar sa buong mundo. Kaya nanganganib ang lahat ng mga nagagawi, lalong-lalo na ang mga nakatira, sa Metro Manila na nakalalanghap ng polusyon dito.

Nabulgar sa Clean Air Summit na isinagawa kamakailan na ang pinaka-polluted na lugar sa Metro Manila ay ang Caloocan City, partikular ang lugar ng Monumento.

Pumapangalawa rito ang Pasay City, lalo na sa malapit sa linya ng Metro Rail Transit. Sumunod dito ang Taft Ave. sa Maynila. Lalala pa ito, mga ‘tol, kung hindi natin sasawatain agad-agad.

Kaya’t nananawagan tayo kay ASBU chief Jowie Sean Arriza Humady. Sir, alam mo ba itong lagayang binabanggit natin sa simula ng kolum na ito?

Aba’y malaking kasalanan ‘yan dahil hinahayaan mong malagay sa delikado ang kalusugan ng milyun-milyong katao at magtuloy-tuloy ang pagkasira ng kapaligiran.

Hindi natin paliligtasin sa pangangaral ang mga pabaya at nagko-corrupt na opereytor ng bus at iba pang pampasaherong sasakyan, lalo na ang mga kasapi ng TRANSPORTER.

Pasensyahan, pero hindi kayo kukunsintihin ng ating grupo.

Gumagalang

Mr. Surplasan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply