Katiwalian sa LTO-Gapan?

KATIWALIAN sa Land Transportation Office sa lalawigan ng Nueva Ecija inireklamo ng mga nagpaparehistro ng sasakyan at nabatid sa reklamo ay ‘di umuusad ang mga dukomento sa LTO sa Branch District 4 ng  Gapan City,  kung wala kang ibibigay na padulas kay Pediritong.

Lahat ng iligal na transaksyon ay kailangang dumaan kina Mario,  sa  dalawang kambal na sina Maribel  at Mary Ann na pawang mga tauhan ng hepe ng LTO.

Kaya ang mga lihitimong tanggapan ng insurance company ng sasakyan ay nalulugi dahil di inaaprubahan ang papeles ng mga nagpaparehistro kung di dadaan sa mga nabanggit na tauhan ni Hepe. Totoo ba ito?

Kailangan sa Pacific Union Insurance  lang ang binibigyan ng pahintulot ng opisyal ng LTO ng nasabing lalawigan at  sa loob lamang ng ilang oras ay mabilis na ire-release ang mga dukomento na pinarehistro.

At kung sa kalaban nilang insurance company ay aabutin ka ng isang linggo di pa na narerelease ang mga papeles ng sasakyan na pinarerehistro. At sa loob lamang ng ilang buwan ang nakabili agad ng isang magarang sasakyan na may modelo Black Montero na may plakang RRP- 400.

Kaya nananawagan ang taga-Nueva Ecija  sa LTO Chief Virgie Torres kung tunay na sumusunod sila sa tuwid na daan ni P-Noy ay hinihiling nila ang agarang pagsibak sa puwesto ng umano’y kurap na hepe ng LTO ng Branch District 4 ng Nueva Ecija.

***

(Text komentaryo ng reader)

Gusto kasi ni Noynoy na ma-control ang lahat ng sangay na gobyerno upang magawa lahat ang gusto nila katulad ng pagnanakaw at pagpapataas ng bilihin, ginamit niya ang Kongreso, Senado at lahat ng sangay ng ahensya ng gobyerno upang mapatalsik ang mga kalaban niya. Nagpasok pa siya ng isang Justice Sereno na magiging “spy” sa Korte Suprema. Maging maingat sana sina Sec. de Lima dahil nagagamit siya ni Noynoy. Ang mga congressmen, dapat maging maingat din kayo dahil ang inyong ginagawa ay upang tulungang masunod ang kagustuhan ni Noynoy at ito ay dahil lang sa HACIENDA LUISITA. Nakakatakot itong ating presidente dahil isip bata o alangin ang sitwasyon sa buhay. NIlilinlang niya ang taong bayan sa pagbatikos sa kalaban sa pulitika habang ang presyo ng bilihin ay tumataas. Iyan din ang ginawa ng kanyang ina si Cory Aquino. Lahat ng bilihin ay nagmahal at naging triple ang presyo lalo na ang bigas, asukal, mga karne at mismong isda.Wala akong naaalala na ginawa ni Ninoy at Cory Aquino. Si Cory ang nagawa lang niya ay i-privatize ang lahat ng pag-aari ng gobyerno gaya ng Mwss, Pal, Nayong Pilipino, Pldt at marami pa. Ang dollar na katumbas ng 7 pesos ay nagtriple rin at dahil sa pagbaba ng ekonomiya ng bansa. Ngayon ang Post office, Manila International Airport, at malalaking establishmento ay nanganganib ding ipagbili ni Noynoy. Ito ay walang pagrespeto sa ating mga ninuno na nakipaglaban sa mga dayuhang mananakop. Tayong mga Pilipino ay alipin sa sariling bansa.
–George F. ng Pasay

******

Para sa inyong reaksyon at opinyon hinggil sa pagputok ng malalaking isyu sa bansa, mag-text sa 09192848266
o mag-email sa evendemata@gmail.com

Sundan n’yo ako sa Twitter, www.twitter.com/even_demata

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply