Kay Aleli ang Kamara, kay Grace ang Negros

PARANG pelikula lang nina dating Senador Ramon Revilla  Sr. at namayapang aktor na si Fernando Poe Jr. na “Iyo ang Tondo, Kanya ang Cavite” ang nangyayari ngayon sa legal wife at live-in partner ni Negros Occidental 5th District Rep. Ignacio ‘Iggy” Arroyo na sina Alile at Grace Ibuña.

Mistula kasing may kanya-kanyang balwarte ang dalawa kung saan kinilala ang sino man sa kanila depende kung saang lugar sila malakas.

Kung sa Kamara kahapon ay ang legal wife na si Aleli ang nabigyan ng pagkakataong magsalita sa necrological service ni Iggy, kanina naman ay si Grace ang nag-speech sa necrological service sa Hinigaran, Negros Occidental.

Kahapon ay nauna nang nagbanta si Grace na babawi siya kapag nakarating na ang labi ni Iggy sa Negros dahil siya ang kinikilala roon ng mga constituent ni Arroyo.

Kung si Aleli ay mainit ang mga pasaring kay Grace at pinagdidiinang iisa lang ang asawa, si Grace naman ay malakas ang loob na sinabing lahat ay lulunukin niya dahil ganoon niya kamahal ang namayapang kinasama sa loob ng anim na taon.

Nakatakdang ibalik ang labi ni Arroyo sa ancestral house nito sa La Vista, Quezon city sa Huwebes bago tuluyang ilibing sa Biyernes sa Manila North Cemetery.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply