Kelot, 3 baka utas sa may sayad sa Iloilo City

ISANG lalaki ang napatay ng isang may sayad na nakapatay muna ng tatlong baka nang sibatin ng suspek na napaslang naman ng mga rumespondeng awtoridad sa Iloilo City.

Sa ulat, kinilala ang biktima na si Raul Silva, 47, habang ang suspek naman na napatay din ay si Rex Llagas ng Bgy. Alibunan, Calinog, Iloilo.

Nabatid na naglalakad ang biktima na may dala-dalang kahoy nang biglang salakayin ng suspek at sibatin sa tagiliran na naglagos pa sa kanyang likuran.

Nagawa pang maisugod sa ospital ang biktima pero nalagutan din ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

Mabilis namang nakaresponde ang Iloilo PNP sa lugar na pinangyarihan ng karahasan.

Sa halip na sumuko ay nanlaban ang lalaking may sayad kaya napilitan ang mga pulis na barilin ito na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Napag-alamang maliban kay Silva, napatay din ni Llagas ang tatlong baka simula noong Lunes nang inatake ng nervous breakdown nang hindi makainom ng kanyang gamot.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply