Kelot binaunan ng bala sa mukha sa Maynila

TAMA ng bala ng kalibre 45 baril ang tumapos sa buhay ng isang lalaki makaraang tumama sa kanyang mukha na naglagos sa leeg matapos barilin ng hindi pa nakilalang gunman sa Baseco Compound, Port Area, Maynila kaninang umaga.

Kinilala ang biktimang si Omar Usman, 43, nanunuluyan sa 310 Blk. 1 Aplaya sa Baseco Compound, Port Area.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon habang nangangalap ng testigo para sa pagkakakilanlan at sa madaliang ikadarakip ng suspek na mabilis na tumakas bitbit ang kalibre 45 baril na ginamit sa pamamaslang.

Batay  sa ulat na isinagawa ni Det. Jett Tajonera, may hawak ng kaso ng Manila Police District-Homicide Section, alas-7:00 ng umaga nang maganap ang nasabing krimen sa Aplaya, Baseco Compound.

Nabatid sa report ng pulisya na galing sa Mindanao si Usman at habang kausap nito ang isang tricycle driver ay nilapitan siya ng ng gunman at malapitang binaril sa mukha.

Isang Teteng Pululon at ang anak nitong babae na edad 12 ang nagsugod sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center sa biktima pero dakong 7:20 ng umaga ay idineklara na itong patay.

Hinala ng pulisya na usapin sa ilegal na droga ang motibo sa krimen.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply