Kelot durog sa trailer truck sa Cagayan

DUROG ang isang lalaki nang masagasaan ng trailer trak sa Cagayan kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Alwyn Daroy, ng Igpit, Opol Misamis Oriental.

Sa imbestigasyon, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima kasama ang isang kaibigan nang mabangga sa binuksang pintuan ng Mitsubishi (VLM 316) na naka-park sa nasabing lugar.

Nang tumilapon ang biktima ay sakto namang padaan ang isang trailer truck para masagasaan si Daroy.

Basag ang bungo ng biktima at halos malasog ang katawan nito, agad niyang ikinamatay.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply