Kelot kalaboso sa panghahalay ng 14-anyos

ARESTADO ang isang lalaki matapos ireklamo ng magulang ng isang 14-anyos na babae ng kasong rape sa isang construction sa site sa Maynila, iniulat ngayon.

Ang suspek na nakilalang si Ronald Mactal, 21 ay kasalukuyang pinipigil ngayon ng Manila Police District Women and Childrens Protection Desk (MPD-WCPD) at nahaharap sa kasong rape.

Nabatid na naaresto si Mactal sa loob mismo ng pinagtratrabahuhan nitong construction site.

Ayon sa magulang ng biktimang itinago sa pangalang “Kayla” ilang araw nilang pinaghahanap ang kanilang anak hanggang sa may ilang kapitbahay ang nakapagbigay ng impormasyon na nakita itong kasama ang suspek sa isang ginagawang bahay noong Linggo ng hapon (Marso 18).

Mariin namang itnanggi ng suspek ang akusasyon rape at sinabing nagkaroon sila ng relasyon kaya niyaya ng suspek ang biktima na magbakasyon na pinaunlakan naman ng huli na walang paalam sa kanyang magulang.

Gayunman, desidido pa rin ang magulang ng biktima na ituloy ang kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply