Kelot na may sayad, tumalon sa barko

MUNTIK malagay sa alanganin ang buhay ng isang lalaki na sinasabing may sakit sa pag-iisip matapos tumalon sa nilululanang barko sa Brgy. Caticlan, Malay, Aklan kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Alex Gabion, 32, ng Bugasong, Antique, sinasabing galing sa Manila matapos ipagamot ng pamilya sa kanyang sakit sa pag iisip.

Sa imbestigasyon, padaong na sa Caticlan ang barkong Starline Atlantic nang bigla na lamang tumalon ang nasabing lalaki na agad namang nasaklolohan ng mga tripulante.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply