Kelot na namboso sa modelo, arestado

ARESTADO ang isang lalaki matapos ireklamo ng isang modelo ng pambabaso sa Quezon City kaninang madaling-araw.

Kinilala ang naghain ng reklamo sa pulisya na si Krystele Rins, 26, dalaga, model ng San Miguel Beer, ng Unit 12, Ber Bank Tower II Californian Garden Tower, Libertad Street, Mandaluyong City.

Inireklamo naman ang suspek na si Anacleto Devera, 25, binata, marketing manager ng 49-A Morato St., corner Umali St., San Francisco del Monte, QC.

Ayon sa ulat Quezon City Police District Station 10 Kamuning naganap ang insidente dakong alas-12:45 ng madaling-araw kanina sa Gerardo’s Bar sa Panay Avenue, cor, Scout Albano, Brgy. South Triangle, QC.

Sinabi ni SPO1 Jun Vargas desk officer nagtungo umano ang complainant sa comfort room ng naturang bar nang bosohan umano ang una ng suspek.

Nakita umano ng kasamahan ng complainant na si Christopher Sunga ang ginawang pamboboso umano ng suspek na dahilan para tumawag ang ito ng mga pulis.

Nahaharap ngayon sa kasong unjust vexation ang suspek bunga ng naturang insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply