Kelot nag-ala-Superman, bali ang buto

NABALIAN ng buto ang isang lalaking nag-ala-Superman na tumalon mula sa MMDA Footbridge sa Barangay Don Bosco, Parañaque City kahapon.

Kinilala ang biktima na si Emilio I. Needer na sinasabing may diperensiya sa pag-iisp.

Ayon sa ulat ng mga miyembro ng Regional Public Safety Battalion na sina PO1 Domingo Taganguin at PO1 Gerry Labuguen, umakyat ang naturang lalaki sa MMDA footbridge at walang sabi-sabing tumalon at bumagsak sa konkretong kalsada.

Agad isinugod ang biktima sa Parañaque Public Hospital upang gamutin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply