Kelot nag-amok: teacher patay, 2 kapatid sugatan sa Cavite

ISA ang nasawi habang dalawa naman ang nasugatan makaraang mag-amok at mang-hostage ang isang lalaki sa Barangay Esmael, Dasmariñas, Cavite.

Hinihinalang sabog sa ipinagbabawal na gamot ang suspek na nakilalang si Nasser Aswani nang magwala at pagbabarilin ang isang babaing tutor matapos nitong makipag-away sa kanyang misis.

Pinasok umano ni Aswani ang bahay ng kanyang dalawang kapatid at ginawang hostage ang mga ito habang binaril ni Aswani sa tiyan ang kanyang kapatid na si Ali nang magtangka itong tumakas at binaril naman nito sa paa ang isa pa niyang kapatid upang hindi makatakas.

Tumagal ng mahigit 10 oras ang hostage drama bago napasuko ng mga pulis si Aswani.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply