Kelot nangisay sa kuryente sa Cagayan

HALOS masunog ang katawan ng isang lalaki matapos makuryente sa Abulug, Cagayan sa ulat ng pulisya.

Kinilala ang biktima na si Augene Taperu, 19, ng Bgy. Centro, Abulug.

Sa imbestigasyon, nabatid na papunta sa ilog ang biktima kasama ang apat pa nang aksidenteng nahawakan ang naputol na service drop wire ng Cagayan Electric Cooperative (Cagelco) dala ng malakas na pag-ulan at hangin sa dinaanang cottage sa isang resort.

Tinangka pang isugod sa pagamutan ang biktima pero hindi na umabot nang buhay.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply