Bangkay ng lalaki natagpuan sa ilog

HINIHINALANG nadulas habang umeebak ang isang hindi pa nakikilalang lalaki matapos matagapuang nakalutang sa gilid ng Jones Bridge sa Sta. Cruz, Manila.

Tinatayang nasa edad na 35 hanggang 40 ang biktima; may taas na 5’5” hanggang 5’6”, katamtaman ang pangangatawan; nakasuot ng kulay abuhing t-shirt at checkered na shorts at sandals.

Dakong 10:45 ng umaga nang matagpuan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang biktima na nakalutang sa ilalim ng nasabing tulay na sakop ng Sta. Cruz.

Ayon sa report ng PCG, nagsasagawa umano sila ng inspeksyon sa mga naglalayag na sasakyang pandagat nang mamataan ang lumulutang na bangkay.

Matapos maiahon ang katawan ng lalaki, wala namang nakitang sugat o anumang pasa sa katawan ng biktima maliban sa nakitang mga bahid ng ebak sa puwet nito kaya hinihinalang aksidenteng nahulog ito habang dumudumi. Rene Crisostomo

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply