Kelot natagpuang patay habang hawak ang shabu

HAWAK pa ang shabu nang makitang duguan at wala ng buhay ang isang mister sa loob ng kanilang bahay sa Navotas kaninang madaling araw.

Nakilala ang biktima na si Mark Ross Flores, 32 ng North Bay Boulevard South ng lungsod.

Sa pahayag ng asawa ng biktima na si Evelyn, 30, dakong alas-2:00 ng madaling araw, pumasok siya sa loob ng kanilang bahay at laking gulat nang makitang duguang nakahandusay si Mark at wala ng buhay.

Tumawag ng pulis si Evelyn at nang respondehan ay nakuha pa sa kamay ng biktima ang isang sachet ng shabu.

Nakakita rin ang mga pulis sa loob ng bahay ng mga shabu paraphernalia.

Hindi rin magulo ang loob ng bahay ng biktima na palatandaang walang nangyaring kaguluhan.

Isasailalim sa autopsy ang bangkay upang malaman ang dahilan ng pagkamatay ng biktima.

Inaalam na rin kung sino ang may kagagawan sa krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply