Kelot niratrat ng 3 tanod sa Kyusi utas

PATAY ang 24-anyos na lalaki, habang sugatan naman ang kanyang ama makaraang pagbabarilin ng tatlong barangay tanod sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City kagabi.

Kinilala ang namatay na si Stilo Mark delos Santos, ng 13 Kasiyahan Street, Batasan Hills, habang sugatan naman ang ama nito na si Larry delos Santos, 52, ng naturan ding address.

Kinilala naman ang suspek na barangay tanod ng Brgy. Batasan Hills, QC na isinasangkot sa insidente na si Noel Papango, at dalawang Barangay Police Security Officer (BPSO) ng Brgy. Batasan Hills na hindi pa nakikilala.

Ayon kay SPO2 Jun Mortel Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection unit, naganap ang insidente 11:00 ng gabi kagabi sa kahabaan ng Kasiyahan Street, Brgy. Batasan Hills.

Sinabi sa ulat na nakilala ang mga suspek matapos mamukhaan ng nasugatang si Larry na ang una ang bumaril sa kanila ng anak.

Itinanggi naman ng mga barangay tanod ng Brgy. Batasan Hills ang akusasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply