Kelot niratrat, utas

ISANG lalaki ang namatay makaraang pagbabarilin ng dalawang di kilalang armadong lalaki sa Paranaque City kagabi (Marso 2).

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Paranaque Medical Center bunga ng tatlong tama ng balas sa dibdib ang biktimang si Fernando Glori, alyas “Ernando” nasa hustong gulang, residente ng Pancrasio St., San Vicente St., San Antonio Village, ng nasabing lunsod.

Batay sa imbestigasyon ni SPO4 Odeo Cariño, may hawak ng kaso, ang insidente ay naganap dakong 7:00 ng gabi sa Pancrasio St., ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat, ang biktima ay nakatayo sa labas ng kanilang bahay nang lapitan ng tatlong bata para paghati-hatian ang perang kinita sa pangangalakal.

Habang pinaghahati-hati sa tatlo ang pera, dalawang lalaki na nakasuot ng bonnet at magka-angkas sa motorsiklo ang biglang dumating.

Lumapit ang mga suspek na armado ng baril at pinagbabaril ang biktima na tinamaan sa dibdib.

Ang biktima ay isinugod ng mga residente sa pagamutan subalit namatay ito habang nilalapatan ng lunas.

Nabatid sa nakalap na impormasyon, ang biktima ay isang tahimik na residente sa kanilang barangay at higit na kilalang tagapamayapa sa mga residenteng nagkakaroon ng alitan.

Inaalam pa ng awtoridad ang motibo sa ginawang pamamaslang sa biktima.

Kelot niratrat, patay
loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply