Kelot sinaksak na binagsakan pa ng adobe

POSIBLENG matinding galit ang nagudyok para saksakin at bagsakan pa ng isang tipak na adobe sa ulo ang isang empleyado na natagpuang patay kaninang umaga sa Pasay City.

Ang bangkay ng biktima na kinilala sa pangalang Ronnie Biuaga ay matigasa na ang katawan nang Makita ng isang enstudyanteng si Jess Avinoda habang  nakahandusay sa loob ng isang bakanteng apartelle sa  Vergil st. kanto ng  Zamora st. Sa naturang lungsod na may mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at nakapatong ang isang tipak na adobe sa mukha.

Base sa nakalap na ulat ng pulisya dakong alas-9:00 kaninang umaga nang matagpuan sa naturang lugar  ang duguang bangkay ng biktima na agad namn ipinarating kay Chairman Santiago Jagunob ng Brgy.99 Zone-14.

Sa panayam ng Remate Online kay Chairman Jagunob lumalabas na ang biktima ay nakita ng mga residente na nakikipag-inuman sa naturang lugar may ilan araw na ang nakalilipas.

Palaisipan naman sa mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa suspek na responsable sa karumal-dumal na pagpatay sa biktima. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply