Kelot sinaksak ng dating kaalitan

TODAS ang isang lalaki matapos itong saksakin ng dati nitong kaalitan nang magkita sila sa tapat ng isang gate sa Grace Park Caloocan City kagabi (Marso 5).

Dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Hospital sanhi  ng isang malalim na  saksak sa kaliwang bahagi ng leeg si  Joel Filasol ng 160 3rd Ave., Brgy 44 ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman si Larry Guevarra, tricycle driver ng nasabi ring barangay.

Batay sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi kinumpronta ng huli ang una hingil sa kanilang matagal na alitan na humantong sa pagtatalo.

Sa pahayag ng saksing si Estrelito Fordan, 35,  galit na nagbunot  ng patalim si Larry at agad nitong  sinaksak si Joel sa leeg.

Tumakas ang suspek bitbit ang ginamit na patalim  habang ang biktima ay dinala sa nasabing pagamutan .

Inaalam ng pulsya ang tunay na motibo sa krimen at nagpalabas ng manhunt operation laban sa salarin. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply