Kelot sinaksak ng pinsan, patay

NASAWI ang isang lalaki makaraang saksakin ng sarili niyang pinsan sa isang construction site sa Santolan, San Juan City.

Nabatid na kapwa mga trabahador doon ang biktimang si Radam Cayabyab at ang pinsang si Raffy de Leon.

Nag-iinuman umano ang dalawa nang bigla silang magtalo at nauwi sa pananaksak.

Ayon sa isang nakasaksi ng insidente, nagselos umano ang suspek dahil nagte-text sa kanyang misis ang biktima.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply