Kelot tigok sa saksak habang namamasyal

PATAY ang isang 23-anyos na lalaki matapos pagsasaksakin habang namamasyal sa tabing dagat sa Port Area, Maynila kagabi (Marso 12).

Idineklarang dead on arrival sa Gat Andres Hospital ang biktima na si Pastel Garcia, binata ng Blk.15 A # 064 bagong Lupa, ng nasabi ring lugar.

Tumakas naman ang dalawang hindi nakilalang salarin matapos ang insidente.

Sa report ni SPO1 Ramir Dimagiba, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa tabing dagat sa Baseco Compound sa Port Area, Maynila.

Nauna rito, namamasyal umano ang biktima kasama ang kaibigan na si Jude Letada, sa aplaya nang dumating ang dalawang salarin na nakatakip ng towel ang mukha.

Pagkalapit ng dalawa sa biktima ay walang sabi-sabing inundayan ng saksak sa katawan.

Mabilis namang nakatakbo si Letada hanggang tuluyang matakas.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestiagsyon ng pulisya sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply