Kelot tiklo sa ilang gramo ng shabu sa NAIA

ISANG lalaking hindi pasahero ang dinakip sa Ninoy Aquino International Airport terminal 2 makaraang makuhanan ng ilang gramo ng shabu.

Ang suspek na si Geronimo Solinap, 47, ng PD Monfort, Dumagas, Iloilo ay nahulihan din ng drug paraphernalia at isang apat na pulgadang kutsilyo nang kapkapan sa initial security check.

Ayon sa PNP-Aviation Security Group, si Solinap ay basta na lang pumasok sa departure area na walang access pass pero naharang ni Frederick Puno, ng Office of Transportation Security (OTS), na hiniling na ilagay ng huli ang kanyang pouch at iba pang pag-aari sa x-ray security machine.

Nang tumangging ilagay nito ang kanyang mga gamit, inalerto ni Puno si P03 Precy Lagutan na nagpaliwanag sa suspek na sinumang papasok sa loob ng gusali o passenger terminal ay kailangang sumailalim sa security procedure.

At nang magsagawa ang OTS staff ng inspection, natagpuan ang drugs at kutsilyo sa maroon pouch ni Solinap.

Nabatid na bago maaresto ang suspek, ay humangos si Solinap sa pass control office ng terminal 2 para mag-request ng access pass pero hindi siya nabigyan.

Ilang minuto ang nakaraan ay nakita siyang kasama ang dalawang hindi nakikilalang miyembro ng Airport Police Department bago pumasok sa departure area.

Sinubukan nitong magpaliwanag sa awtoridad na gusto lamang niyang ibigay ang dalawang pirasong “Majestic ham” sa isang pasahero ng Philippine Airlines flight patungong Dumaguete City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply