Kelot tumalon mula sa 10th floor, patay

NASAWI ang isang lalaki makaraang tumalon sa isang gusali sa Maynila ngayong umaga, Marso 12.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, tumalon mula sa 10th floor ng abandonadong Bureau of Internal Revenue (BIR) building sa Anda Circle sa Intramuros, Maynila ang hindi pa nakikilalang lalaki na inilarawan lamang na nakasuot ng kulay violet na T-shirt at kulay orange na shorts.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng Manila Police District (MPD) ang pagkakakilanlan ng supek at kung may foul play sa likod ng insidente.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply