Key witness ng depensa minaliit ng prosekusyon

HINDI natitinag ang prosekusyon sa diumano’y ipinagmamalaking “key witness” ng depensa kaugnay sa paglilitis kay Chief Justice Renato Corona.

Ipinagkibit balikat lang ng prosekusyon ang sinasabing pangunahing testigo umano ng depensa na isang accountant-lawyer na makapagpapaliwanag ng mga discrepancy sa statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ni Corona.

Ani House Majority Floor Leader Neptali Gonzales III, kahit sino aniya ay makapagpapaliwanag ng tungkol sa SALN ni Corona, pero sa bandang huli ay maaaring maituturing pa rin itong “hearsay.”

Ito aniya ay sa dahilang tanging ang punong mahistrado lamang ang may “first hand knowledge” sa filing ng kanyang SALN.

Samantala, sinagot na ng prosecution team ang inihaing mosyon ng depensa na motion to suppress illegally obtained evidence kaugnay sa pagpapa-subpoena noong Pebrero 6 at 9 sa presidente at branch manager ng Philippine Savings Bank Katipunan.

Nakapaloob sa mosyon ng depensa na pigilan ang prosekusyon na magamit laban kay Corona ang mga pahayag ni PS Bank Branch Manager Annabelle Tiongson na peke ang mga dokumento na nakalagay sa annex A.

Giit ng prosekusyon na hindi nagkakatugma ang mga pahayag ng presidente ng PSBank na si Pascual Garcia III kung saan sinabi nito na posibleng nag-leaked ang mga bank record ng punong mahistrado nang magsagawa ng audit ang Bangko Sentral ng Pilipinas at Anti-Money Laundering Council (AMLC) samantalang si Tiongson ay nagsabing peke ang mga dokumento.

Giit ng prosekusyon sa kanilang sagot ay hindi pa naman pinal na nalalaman kung talaga bang peke ang mga bank record dahil wala pa namang judicial proceedings na ginagawa dito at mismong si Garcia na rin ang nagkumpirmang existing ang mga account numbers na nakuha ng prosekusyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply