Kidney failure, ikinamatay ni Reglos– NBI

LUMALABAS na kidney failure ang ikinamatay ng hazing victim na si Marvin Reglos.

Ito ay base na rin sa inilabas na autopsy report ng National Bureau of Investigation (NBI), matapos magsagawa ang ahensya ng re-autopsy sa bangkay ng biktima.

Ang nasabing findings ay nagresulta anila sa tinamong pananakit kay Reglos ng ilang miyembro ng Lambda Rho fraternity group.

Ayon pa sa NBI, posible anilang nabuhay pa si Reglos kung naagapan ito at agad na nadala sa ospital.

Matatandaan na dalawang linggo bago ilibing si Marvin Reglos ay hiniling ng kanyang ama sa NBI-Medico Legal na isailalim sa re-autopsy ang kanyang anak.

Ang resulta ng naturang re-autopsy ay pareho lamang sa resulata ng Philippine National Police-Scene Of the Crime Operatives (PNP-SOCO).

Ayon kay Dr. Alvin David, hepe ng NBI-Medico Legal Division, kapag nawala ang circulation, ang Myoglobin ay nakakasira sa kidney. Ito ay dahil umano sa filtering capability, kaya iikot lang ang wastes materials sa katawan.

Ito ay posibleng nakaramdam ng pangmamanhid, disorientation, hanggang mawala na ang reflexes nito.

Nanghihinayang naman si Dr. David sa biktima dahil maaaring naisalba pa ang buhay nito kung nadala lamang agad sa pagamutan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply