Killer ng UPLB stude arestado na, 2 pa tugis

HAWAK na ng Laguna-PNP ang isa sa tatlong suspek sa pagpatay sa BS Agriculture student ng U.P. Los Baños na si Ray Bernard Peñaranda.

Sa impormasyong ibinahagi ni Laguna Police Provincial Dir. Sr. Supt. Gilbert Cruz, kinilala nito ang naaresto na si Joseph Bernard, 21, look-out sa krimen.

Nabatid na matapos isalang sa preliminary interogation si Bernard ng mga tauhan ng Laguna-PNP kay Bernard, isiniwalat din nito ang kanyang partisipasyon kasunod ng pagtukoy sa pangalan ng dalawa pa niyang kasamahan na nasa likod ng pananaksak kay Peñaranda.

Kabilang dito sina Tyron Kennedy Fairview, 26 at Carl Dakpin de Guzman, 23, pawang residente sa lugar.

Nabatid na galing sa inuman ang mga salarin at napag-tripan na holdapin ang biktima.

Binanggit din ni Cruz na dati nang nasangkot sa robbery at droga ang mga suspek.

Sa ngayon ay tinutugis na ng pulisya ang dalawa pang salarin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply