Kilos-protesta vs oil price hike kasado na bukas

KASADO na ang kilos-protesta laban sa oil companies sa patuloy na pagtataas ng presyo ng gasolina simula bukas.

Bukas isasagawa ang signature drive ng grupong Anakpawis sa malls, palengke at iba pang matataong lugar para himukin ang gobyerno na ibasura na ang kontrobersiyal na oil deregulation law.

Balak ng grupo na iparating sa House committee on energy na makakalap na lagda para mahimok ang mga mambabatas sa kanilang apela.

Nitong nakaraang linggo, nagsimula na ring magsagawa ng mga noise barrage ang ilang militant groups na tutol sa oil price hikes.

Nabatid na ngayong taon, siyam na beses na nagpatupad ng oil price hike ang mga kompanya ng langis na isang malaking pasanin ng motorista.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply