Kilos-protesta vs oil price hikes sisimulan sa Marso 15

SISIMULAN na sa Marso 15 ang kilos-protesta kontra sa oil price hikes at oil overpricing.

Kinumpirma ito ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano sa pagsasabing tatawagin itong “National Day of Rage and People’s Strike” kontra sa sunud-sunod na pagtaas sa presyo ng langis.

“Napakamahal ng langis sa tuwid na daan ni Pangulong Noynoy Aquino. Kailangang gumawa ng ibang daan mamamayan, – ang daan ng paglaban sa pagkagahaman ng mga dambuhalang kumpanya ng langis at sa kainutilan ng gobyerno na masolusyunan ang mga hinaing ng taumbayan,” ani Mariano.

Iginiit pa ng kongresista na ang patuloy na kawalan ng aksyon ng gobyerno sa patuloy na pagtaas ng langis ay makaaapekto sa administrasyong Aquino.

Hanggang Marso 8, 2012, ang preyso ng diesel sa Metro Manila ay P48.10 kada litro; P57.75 para sa gasolina; at P835 hanggang P919 para sa 11-kilogram (kg) cylinder tank ng liquefied petroleum gas (LPG).

Pagpasok pa lamang ng 2012, ang pump price ng diesel ay tumaas ng P3.20 kada litro; P5.85 kada litro naman sa gasolina; at mahigit P190 kada 11-kg cylinder tank ng LPG.

Kumikita ang mga oil company ng tinatayang P147 milyon araw-araw mula sa overpricing umano ng local pump price sa diesel pa lamang.

Sa Marso 15, kasama sa mga lalahok sa strike ang mga sektor ng manggagawa, transportasyon, magsasaka, urban at rural poor.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply