Klase sa Parañaque at lahat ng FEU campus suspendido na rin bukas

SINUSPINDE na rin ngayong gabi lamang ng lungsod ng Parañaque ang klase sa lahat ng antas bukas, Marso 15.

Sumunod na nagpahayag ng suspensiyon ng klase ay ang pamunuan ng Far Eastern University sa lahat ng kanilang campus.

Sinuspinde ang nasabing mga klase bukas sa pangambang pagkaparalisa sa transportasyon dahil sa pagkasa ng malawakang tigil-pasada ng transport groups dahil na rin sa hindi maawat-awat na pagtaas ng presyo ng gasolina.

Ipinaubaya naman ng Department of Education ang pagsuspinde sa mga klase sa iba’t ibang eskwelahan sa Metro Manila.

 

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply