Klitschko dinurog si Mormeck

DINEMOLIS ni IBF/WBA/WBO heavyweight champion Wladimir Klitschko (57-3, 50 KOs) si former cruiserweight champion Jean-Marc Mormeck (36-5, 22 KOs) para sikwatin ang 50th career knockout niya sa Esprit Arena sa Düsseldorf, Germany.

Napatumba ni Klitschko si Mormeck sa pamamagitan ng kanang sapak sa round two bago binakbakan sa mga sumunod na round.

Dinomina rin ni Klitschko ang round 3 at natapos sa round four nang muling pabagsakin ni Klitschko si Mormeck sa oras na 1:12.

Samantala, matapos ang laban ay sinabi ni Klitschko na balak niyang labanan sina Tyson Fury (17-0, 12 KOs), David Price (12-0, 10 KOs), Alexander Povetkin (24-0, 16 KOs), Seth Mitchell (24-0-1, 18 KOs) at Chris Arreola (35-2, 30 KOs).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply