Knicks binuhay ni Woodson

MULING pumasok sa top eight ng Eastern Conference ang New York Knicks matapos magkabit ng tatlong sunod na panalo sa ilalim ni interim coach Mike Woodson sa nagaganap na 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Tangan ng Knicks ang 21-24 win-loss slate ng tambangan nila ang Indiana Pacers, 102-88 kaninang umaga.

Nalaglag sa pang siyam ang New York ng malasap nila ang anim na sunod na kabiguan sa pag mamaneobra ng laro ni dating coach Mike D’Antoni.

Unang kinaldag ng Knicks ang Indiana 115-100, pagkatapos ay nanaig ito ng 42 puntos laban sa Portland Trail Blazers at pangatlo ay sa return bout nila ng Pacers.

“Coach Woodson, he’s more of—he’s a player’s coach,” masayang sabi ni Amare Stoudemire. “It’s a matter of us as players playing hard for him and trying to get these wins.”

Ibinalik naman ni Woodson ang papuring tinanggap niya sa kanyang mga bataan.

“Our hearts are right in it, and it was a total team effort,” ani Woodson. “I couldn’t be more proud of the team than I am tonight. I happen to have a great group of guys and a talented bunch. We just have to keep them playing at a high level. If we do that, we have a chance.”

Si Jeremy Lin ang umunat sa opensa ng Knicks matapos itong kumana ng 19 puntos, seven rebounds at anim na assists habang tig 16 points ang inambag nina Stoudemire at Carmelo Anthony.

Si center Roy Hibberet naman ang nanguna sa scoring ng Pacers ng magsalpak ito ng 24 markers, 12 boards at dalawang assists habang 18 at 15 ang ginawa nina Paul George at Darren Collison ayon sa pagkakasunod.

“Our offense just isn’t working,” saad ni Indiana forward Danny Granger na tumikada lamang ng 11 points . “We’re not getting the job done. Our goal is to win games, and we’re not going to win games this way. I don’t have an answer. All we have to do is play and try to play through it.”

Sa ibang NBA resulta, kahit wala si star player Derrick Rose ay nanaig pa rin ang Chicago Bulls laban sa Philadelphia 76ers, 89-80 habang nagwagi ang defending champion Dallas Mavericks kontra San Antonio Spurs.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply