Knicks tinambakan ang Blazers matapos iwan ni D’Antoni

PABABA ng pababa ang laro ni Jeremy Lin subalit nakuha pa rin ng New York Knicks na magwagi sa laban nila kontra Portland Trail Balzers, 121-79 sa pagpapatuloy ng 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season kaninang umaga.

Marahil ay napaganda ang pagre-resign ng kanilang head coach na si Mike D’Antoni dahil naputol ang six-game losing streak ng Knicks.

Ang pagbibitiw ni D’Antoni ay ikinabigla ng kanyang mga boss at players.

“He clearly felt it was best for the organization if he were not to continue as coach of the team. He did offer to stay,” pahayag ni Knicks owner James Dolan sa isang sandaling news conference bago ang salpukan ng kanyang koponan sa Blazers.

Anim na puntos, anim na assist at apat na rebound lang ang kinana ni Lin subalit sinalba naman siya sa opensa ng dalawang bench player na sina JR Smith at Steve Novak upang ilista ng Knicks ang 19-24 win-loss slate.

Tumikada si Smith ng 23 puntos at tig-dalawang boards at assists habang 20 pts.,at tig isang assist at rebound ang inambag ni Novak.

Tumulong din sina Amare Stoudemire at Carmelo Anthony ng 17 pts. at 16 pts. ayon sa pagkakasunod.

Sina LaMarcus Aldrige at Gerald Wallace ang gumawa sa opensa para sa Blazers matapos ilista ang tig-15 points.

Sa ibang resulta ng NBA, muling nanalo sa overtime ang Los Angeles Lakers.

Tinalo ng Lakers ang New Orleans Hornets, 107-101 habang kinaldag ng New Jersey Nets ang Toronto Raptors, 98-84.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply