Kolektor hinoldap na, pinatay pa

HINOLDAP na, pinatay pa ang isang kolektor matapos barilin ng hindi nakilalang suspek sa Port Area, Maynila, kagabi (Marso 19).

Ang biktima ay nakilalang si Rodel Oliveros, nasa edad na 24 hanggang 26-anyos, kolektor at stay-in sa Medrano Ice Dealer na matatagpuan sa No. 1702 Cavite St., Sta. Cruz, Maynila, na nagtamo ng tama ng bala sa likurang bahagi ng ulo.

Nakatakas naman ang suspek na armado ng hindi pa batid na kalibre ng baril at tangay ang belt bag ng biktima na naglalaman ng nakolekta nitong P7,000 at cellphone na nagkakahalaga ng P1,500.

Ayon kay SPO1 Mario Asilo, dakong alas-9:30 kagabi nang maganap ang pamamaril sa biktima sa Block 14, Old Site Baseco Compound Port Area, Maynila.

Nauna rito, nangolekta ang biktima sa kanilang kostumer na hinahatiran ng yelo at nang papasakay siya sa kanyang motorsiklo (6405-OO) na nakaparada sa Block Old Site, ay nilapitan siya ng suspek at nagdeklara ng holdap.

Hinala ng pulisya na posibleng nanlaban ang biktima kaya ito binaril sa ulo bago tuluyang natangay ang kanyang koleksyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply