Kolektor ng iligal

KINUKUNSINTI raw ng Northern Police District ang kilabot na collector ng CAMANAVA dahil bukod sa pagiging collector nito ng mga iligal na pasugalan at club ay protector din daw ito.

Itong si Fatwork alyas Owan na sinasabing kilabot na collector ng mga iligal na pasugalan at mga club sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela ay protector din daw ng mga iligal dito sa apat na lungsod.

Maging sa mga pasugalan at majhongan sa mga bahay-bahay ng mga Intsik sa Caloocan City, itong si Owan din daw ang collector at protector.

Sa impormasyong tinanggap ng Lily’s Files dito kay Owan,  sinasabing matindi raw ito kung makapangolekta dahil kahit wala pang pumapasok na pera ay talagang namimilit ito.

Kapag hindi raw nakapangolekta itong si Owan ay kanyang ipinare-raid ang  mga club o pasugalan na kanyang kinokolektahan.

Ginagamit din daw ni Owan ang kanyang pagiging collector para sa kanyang pansariling interes kaya marami ang umiiyak na  mga club owner at kapitalista ng mga iligal na pasugalan.

Hindi  ako magtataka kung bakit laganap ang graft and corruption sa hanay ng ating kapulisan dahil sa ganitong klaseng collector.

Northen Police District Director, Gen. Decano, Sir, sinasabi nitong si Owan na siya raw ang collector ng lahat ng unit diyan sa NPD, totoo po ba ito?

At kung totoo, bakit ninyo kinukunsinti ang pagiging abusado nito sa pangongolekta?

May nakarating ding impormasyon sa inyong lingkod na  ginagamit din daw nitong si Owan at ipinangongolekta ang Caloocan City Hall.

Hinay-hinay lang Owan. Baka magaya ka roon sa dating collector ng PNP na binaril at pinatay sa Quezon City habang nag-papagasolina.

Ikaw din, alalahanin mong digital na ang “KARMA” ngayon.

Para sa inyong reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09062653394 o kaya ay mag-email sa lily_reyes13 @yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply