Kolorum na bus sa Holy Week walang huli

WALANG HULI!

Ito ay matapos payagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang lahat ng kolorum at out of line na provincial buses na makabiyahe sa malalayong lugar sa Semana Santa.

Magkagayunman sinabi ni LTFRB Chairman Jaime Jacob na papayagan lamang nila ang bus operators na makabiyahe kung naisyuhan na sila ng special permit na inaplayan  sa kanilang ahensiya.

Aniya kahit out of line na mga pampsaherong bus ay bibigyan nila ng pagkakataong makabiyahe pero may  kaakibat lamang na  special permit ang mga sasakyang ibibiyahe bilang ayuda sa magiging kakapusan nito dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga bakasyunista na uuwi sa kani-kanilang mga probinsiya.

Sa ngayon ay umaabot na sa 800 units ng provincial buses ang nabigyan na ng special permits ng LTFRB.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply