Konsehal suspek sa pagpapasabog sa Iloilo

ISANG konsehal sa Iloilo City ang sinasabing mastermind sa panghahagis ng granada sa nasabing lungsod.

Mismong ang pinsan ni Iloilo City Councilor Plaridel Nava ang nagbunyag na may kinalaman ang konsehal sa mga insidenteng naganap sa lungsod.

Ayon kay Mercedes Nava, ang nasabing konsehal ang nasa likod sa pagbaril sa radio block timer na si Fernando Gabio sa Jaro, noong Marso 2 at paghagis ng granada sa bahay ni Iloilo City lone District Rep. Jerry Treñas noong Marso 23, 2010.

Si Nava rin ang itinutrong utak sa grenade throwing sa Bali Hotel sa General Luna St. noong Setyembre 5, 2011 at pagpatay sa real estate agent na si Richard Cesar sa Ledesma-Fuentes St. noong Agosto 2011.

Pinabulaanan naman ni Nava ang akusasyon ng pinsan.

Ani Nava, isang desperate move ng mga kritiko ang ibinabatong akusasyon sa kanya.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply