Korona naidepensa ni AJ Banal

NAIDEPENSA ni AJ “Bazooka” Banal (27-1-1, 20KOs) ang kanyang tangan na WBO Asia-Pacific Bantamweight title kay Mexican fighter Raul “El Bule” Hidalgo (16-6, 12KOs) sa ginanap na laban kanina.

Sa first round pa lamang ay ipinatigil na ng referee na si Atty. Dan Rex Tapdasan ang laban matapos ma-knock out ang Mexican boxer nang tamaan ng left hook ni Banal, dalawang minuto at 29 na segundo ng kanilang bakbakan.

Agad namang ipinahayag ni Banal na dahil sa kanyang panalo ay nakahanda na siya para sa isa namang world  title fight.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply