Korte naghain ng ‘not guilty plea’ para kay Abalos

MISMONG ang Pasay City Regional Branch 117 Judge Eugenio Dela Cruz ang naghain ng “not guilty plea” para kay dating Commission on Elections (Comelec) chairman Benjamin Abalos dahil sa hindi nito pagtugon sa mga akusayon laban sa kanya.

Dahil tumangging sagutin ni Abalos ang isinampang kaso ng Comelec, napilitan na ipahayag ni Judge Dela Cruz ang not guilty plea para kay Abalos.

Iginigiit ni Abalos na ang Sandiganbayan ang may hurisdiksyon sa isinampang electoral sabotage.

Magugunitang, kinuwestiyon ni Abalos ang hurisdiksyon ng local court kaugnay sa pagtatalakay sa mga election-related offense.

Si Abalos ay nahaharap sa kasong electoral sabotage kaugnay sa pagmamani-obra diumano nito sa nakaraaang 2007 elections na pumabor sa mga kandidato ng administrasyong Arroyo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply