Kotse kinaladkad ng tren: Mag-ina nalasog

NALASOG ang katawan ng isang mag-ina matapos makaladkad ng tren ang sinasakyang kotse sa Barangay Halang, Calamba, Laguna, alas-9:00 kagabi (Marso 27).

Ayon sa ulat hindi napansin ng biktima na isang railroad crossing ang kanilng dinaraan na saktong may paparating na tren.

Dead on arrival ang mga biktima na sina Christine de Guzman at Annabelle de Guzman matapos maipit sa kotse na nakaladkad ng isang tren ng Philippine National Railways.

Ayon sa mga tauhan ng Laguna Traffic Management Office Rescue, na siyang unang dumating sa lugar, natagalan bago nailabas sa kanilng kotse ang mag-inang De Guzman.

Kinailangan pang gumamit ng power tools para matanggal ang mga bakal na nakaharang sa katawan ng mga biktima.

Total wreck o wasak na wasak ang sasakyan ng mga biktima.

Sinuspinde naman ng PNR ang operator ng nasabing tren, habang iniimbestigahan ng Calamba PNP ang pangyayari.

Sinisisi naman ng mga kaanak ng mga biktima ang kawalan ng mga babala, mga precaution sign at harang sa riles kapag may dumaraang tren.

Giit ng mga ito na responsibilidad ng PNR na lagyan ng mga ilaw at mga babala ang crossing upang maging alerto ang mga motorista.

Sinabi naman ng Calamba PNP na matagal nang hindi ginamit ang riles kaya’t ninakaw na ang mga harang dito. Maging ang mga ilaw anila ay wala na rin kaya nang muling gamitin ang mga riles ay hindi pa napapalitan ng PNR.

Dahil sa insidente, balak maglagay ng DOTC ng mga CCTV sa mga outpost ng bawat crossing at istasyon, at maging sa mga tren mismo upang magsilbing black box.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply